MATITINDING drama at confrontation scenes ang majority na mga eksenang napapanood sa pinag-uusapang teleserye ng buong bayan na “Bridges of Love.”
Pagdating sa acting ay pare-parehong stand-out ang mga performance nina Maja Salvador bilang Mia Sandoval, Jericho Rosales as Gael at Carlos na pino-portray naman ni Paulo Avelino. Siyempre si Edu Manzano na gumaganap na ama-amahan ni Paulo at karelasyon ni Carmina Villaroel sa serye na naging “cougar” kay Carlos ay kapwa hindi na maikakaila ang husay at galing sa pag-arte.
Samantala sa latest episode ng Bridges of Love na gabi-gabing tinututokan ng mga manonood, sa tulong ng boyfriend ngayong si Carlos ay unti-unti nang natutupad ang lahat ng mga pangarap sa buhay ni Mia na patuloy sa pananagumpay ang ipinatayong Boutique. Si Gael naman ay nagdurugo talaga ang puso tuwing nakikita ang da-ting nobya na kasama ni Carlos. Parang sinasaksak ang pagkatao niya at hindi talaga makapaniwala kung bakit nangyari sa kanila ito ng babaeng kanyang pinakamamahal. Lalo na ngayong magkatrabaho na sila ni Carlos para sa isang malaking proyekto at hindi maiiwasang maging topic si
Mia sa kanilang usapan na lalo niyang ikinababaliw.
Ano naman kaya ang mangyayari ngayong magkikita-kita na ang tatlo, sasabihin na ba ni Gael kay Carlos na ang babaeng madalas niyang ikuwento na ex-girlfriend niya at si Mia ay iisa? Mabawi pa kaya ng binata si Mia sa kamay ng kanyang nakababatang kapatid na si JR (Carlos na ngayon) na hanggang ngayon ay hindi pa alam ng dalawa na sila ay magkapatid.
Maraming TV viewers ang hindi bumibitiw sa nasabing teleserye, na napapanood pagkatapos ng Forever More sa Primetime Bida, kasi kakaiba ang istorya nito sa mga nakagawian na nilang panooring soap.
Ang Bridges of Love ay mula sa mahusay na direksyon nina Richard Somes, Dado Lumibao at Will Fredo. Ito ay likha ng Star Creatives production, ang grupong naghatid sa primetime TV hits kabilang ang “Princess and I,” “Got To Believe,” “Forever More” at tumatak sa puso ng mga legal wife at mistress na “The Legal Wife.”
The best gyud!
ni Peter Ledesma