Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, sobrang na-attach sa karakter ni Garry ng SAF 44

042415 coco angel

00 SHOWBIZ ms mPUYAT man nang humarap sa entertainment press si Coco Martin para sa presscon ng two-part special tribute ng Maalaala Mo Kaya para sa mga Special Action Force (SAF) commando na nasawi sa Mamasapano clash, naroon pa rin ang pagiging magiliw at palangiti ng actor.

Nangingilid ang luha ni Coco nang ipakita ang flag ng naturang MMK special na mapapanood ang unang part sa Sabado, April 25 at ang ikalawa’y sa May 2.

Ani Coco, na-attach talaga siya sa proyektong ito dahil, “Lahat naman ng Pinoy kapag napanood ‘yan, tiyak na ganyan din ang magiging reaction. Lalo na kami, kasi talagang na-experience naming at nakilala ang bawat character na ginampanan namin. (Ginagampanan ni Coco ang papel ng pulis na si Garry).

“Siyempre hindi ito ordinaryong kuwento, talagang naging malapit sa amin. Sa apat na araw na taping, nakilala ko talaga ng malalim ‘yung character…lahat ng taong kasama niya, mga officer, ‘yung mga kapatid niya na nagpunta pa sa taping,” kuwento ni Coco.

Apatnapu’t apat ang namatay sa Mamasapano pero ang istorya ni Garry ang itinampok kasama ang girlfriend nitong si Suzette na ginagampanan naman ni Angel Locsin. “Siguro po during the research sila po ang napili sabi nga po nila may dalawang magkaibigan na hindi mapaghiwalay, (ang karakter na ginagampanan niya at ang kay EJ Falcon) ‘yun ung nakakuha ng atensiyon nila kung ano yung kuwentong tumatakbo roon.”

Ani Coco, may similarity ang kuwento ng buhay nila ni Garry kaya siguro ganoon siya napalapit sa kuwento nito. “Malalim at malaki ang pangarap niya hindi para lang sa sarili niya kundi para sa pamilya niya. Siya ‘yung tipong idealistic, gusto niya maging pulis, maiayos ‘yung bansa natin para sa lahat. Gusto sana niyang maging presidente balang araw. Ganoon kataas ang pangarap niya sa buhay.

“Siya ‘yung pinaka-top of the class. Ikinukuwento nga ng mga ka-batch mate niya hindi lang ‘yan matibay sa pisikal kundi isa sa pinakamatalinong estudyante. Kumbaga, isa siya sa pinakamataas na SAF officer din.

“May similarity din kami dahil siguro pareho kaming panganay, nagwo- work para sa family, and then tahimik din lang. Ngingiti-ngiti lang, medyo strict pero pagdating sa pamilya malambing.”

First time namng magkasama nina Coco at Angel at ayon sa actor, naging maganda ang kanilang chemistry. “Oo nga actually ‘yan ‘yung hindi na ako na surprise, maganda ang pagkakakilala ko sa kanya bilang isang tao, bilang isang artista. And then noong nagte-taping kami talaga, isa siya sa pinaka-humble, masipag, at pinaka-maalaga sa lahat ng katrabaho niya hindi lamang sa kapwa artista kundi sa lahat ng staff. Nakatutuwa siya para siyang lalaki. Makikita mo nagbubuhat siya ng upuan, kumikilos siya, nakakabilib, nakatutuwa wala kang mararamdaman na feeling niya si Angel Locsin siya. Walang ganoon.”

Sa pagsasamang ito, umaasa si Coco na sana’y makasama pa niya si Angel sa isang pelikula o sa isang teleserye.

Samantala, sinabi pa ni Coco na, “Gusto namin ipakita rito sa ‘MMK’ kung gaano kahirap ‘yung mga pinagdaanan ng mga SAF commando. Rito nila makikita ‘yung buhay ng mga bayani ng ating bayan bilang isang anak, kapatid, kaibigan, isang taong nagmamahal, at isang pulis. Sana mabigyan namin ng hustisya kung ano ‘yung nangyari sa kanila.”

Tampok din sa two-part special ng MMK sina Ejay Falcon, Rita Avila, Alex Medina, Marx Topacio, Efren Reyes, Trina Legaspi, Denisse Aguilar, Jillian Aguila, Aenah Solano, at Johan Santos. Kasama rin sina Macki Billiones, Dale Baldilio, Dante Ponce, Mike Lloren, Michael Roy Jornales, Jed Montero, Dionne Monsanto, at Dang Cruz.

Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Garry Javier Fernando at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …