Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bert Lina ibinalik ni PNoy sa BOC

ITINALAGA ni Pangulong Benigno kahapon si Alberto Lina bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC) kapalit nang nagbitiw na si John Philip (Sunny) Sevilla.

Si Lina , isang certified public accountant (CPA) ay kilalang malapit kay Finance Secretary Cesar Purisina.

Pareho silang miyembro ng Hyatt 10 o ang mga miyembro ng gabinete na kumalas sa administrasyong Arroyo sa kasagsagan ng “Hello Garci” scandal noong 2005.

Nagsilbi si Lina bilang Customs chief ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa loob ng limang buwan hanggang magbitiw para sumama sa Hyatt 10 noong Hulyo 8, 2005.

Sa panahon niya sa BOC ay inilunsad ang kontrobersiyal na Run After Smugglers (RATS) program at inilunsad din ang pinalawig na work hours ng kawanihan mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. mula sa dating 8 a.m. hanggang 5 p.m., at naging Lunes hanggang Sabado ang mga araw ng trabaho sa Customs.

Bago napunta sa gobyerno, si Lina ang chairman ng Lina Group of Companies, may-ari ng giant logistics firm na Air21.

 Kamakalawa ng umaga, inianunsiyo ni Sevilla ang kanyang pagbibitiw sa puwesto dahil sa aniya’y political pressure.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …