Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 nagpanggap na CPP-NPA arestado sa entrapment  

ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang nagpanggap na mga miyembro ng CPP-NPA at nangikil ng halagang P800,000 sa isang engineer, sa entrapment operation noong  Abril 21 sa Makati City

Kinilala ni Atty. Joel Tovera, hepe ng NBI Anti-Illegal Drugs Unit, ang mga suspek na sina Francisco Calicoy, naaresto sa Makati Cinema Square sa Pasong Tamo, Makati City; at Manuel Adriano, alyas Ka Manny, naaresto sa Sen Gil Puyat Ave. (dating Buendia).

Nakatakas naman ang kanilang lider na si Cresente Dizon Pangilinan, 40, at iba pang kasamang nakasakay sa itim na Toyota Innova (AAY-2685), sinasabing inaanak sa kasal ng biktima nilang si Engineer Francisco.

Sinabi ni Tovera, humingi ng tulong sa NBI ang biktimang may-ari ng NBF Consulting Inc., nang makilala sa CCTV ang suspek na inaanak niya sa kasal, na siyang huling kumolekta ng halagang ng P200,000 sa kanyang opisina.

Nabatid na tinakot ng mga suspek ang biktima sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat at text messages na may mangyayaring masama sa kanyang pamilya at negosyo kapag hindi nagbigay ng revolutionary tax sa CPP-NPA.

Naging paulit-ulit aniya ang pananakot ng mga suspek simula noong Abril 4 hanggang umabot sa P800,000 ang kanilang nakuha.

Sa inilatag na entrapment operation, unang nahuli si Calicoy, sumunod si Adriano ngunit nakatunog si Pangilinan kaya hindi na lumutang.

Nahaharap sa kasong robbery extortion sa Makati Prosecutor’s Office ang mga suspek. 

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …