Wednesday , November 6 2024

VFP officials, dapat managot sa mga beterano

00 Abot Sipat ArielMALAKI ang problema ng mga dati at kasalukuyang opisyales ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) matapos silang kasuhan sa Office of the Ombudsman nitong Lunes (Abril 20) ng mga pinuno ng charter member organizations ng VFP kasama ang Citizens Crime Watch (CCW) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kaugnay sa P559 milyong pondo ng mga beterano na hindi maipaliwanag kung saan ginastos.

Ayon kina Dante Jimenez ng VACC at Jose Malvar Villegas ng CCW, ipinagpilitan ng VFP officials sa pangunguna ni ex-Col. Emmanuel De Ocampo na isa silang pribadong korporasyon. Ngunit mismong ang Supreme Court (SC) ang nagdesisyon na isang “public corporation” ang VFP kaya wastong busisiin ng Commission on Audit (COA) kung saan ginugol ang bilyon-bilyong pondo ng mga beterano.

Nakapanlulumo na maraming beterano ang namamatay sa kakulangan ng gamot at hindi pagpapaospital gayong may pondong inilaan ang pamahalaan para sa kanilang kapakanan. Maraming ari-arian ang VFP tulad ng 54-ektaryang Veterans Center sa Taguig City pero kakatwang pinauupahan ng grupo ni De Ocampo sa P35 per square meter ang nasabing lupain gayong P25,000 per square meter na ang presyohan sa lungsod. Ang masama, kinontrol ng grupo ni De Ocampo ang VFP na halos itinuring nila itong isang “kaharian” na hindi puwede pakialaman maging ng Department of National Defense (DND).

Kaya nang lumabas ang desisyon ng SC noong 2006, nagpasiya ang DND na magsagawa ng management at financial audit sa reklamo ng napakaraming beterano na inetsapuwera ng opisyales ng VFP.

Matapos magsuri ang COA, natuklasan na walang rekord ng transaksiyong pinansiyal ang VFP mula 1985 hanggang 2007. At mula 2008 hanggang 2013, mahigit 599 milyon sa pondo ng mga beterano ang “unaccounted” o hindi maipaliwanag kung saan ginastos.

Nabatid sa CCW at VACC na anim na kasong kriminal ang kanilang isinampa laban sa pamunuan ng VFP kabilang ang paglabag sa Plunder Law, Malversation of Public Funds or Property, Corrupt Practices at paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Maraming kabulastugang pinaggagawa ang opisyales ng VFP na hindi maipaliwanag kung saan napunta ang pondong dapat napakinabangan ng mga beteranong nag-alay ng buhay para manatiling malaya ang ating bansa.

Marahil, dapat kaagad aksiyonan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang kahilingan ng lider ng mga beterano, CCW at VACC na ipasuspinde ang kasalukuyang opisyales ng VFP dahil patuloy lamang na lalaspagin ang pondong para sa kapakinabangan ng lahat ng beterano sa ating bansa.

Sa tulong ng Tanggapan ng Ombudsman, matutulungan ang huling laban ng mga beterano para magtamo sila ng katarungan at maparusahan ang mga mandarambong sa VFP.

About hataw tabloid

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *