Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis tigok, 5 pa kritikal sa SUV vs trike at motorsiklo

BUTUAN CITY – Kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries at paglabag sa Republic Act 10586 o mas kilalang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 ang kahaharapin ng driver ng isang sports utility vehicle makaraan ang kinasangkutang aksidente pasado 11 p.m. kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Rommel Sonot de Asis, 38, residente ng Brgy. Villa Kananga sa Butuan City, napag-alamang lasing nang maganap ang insidente at isasailalim sa mandatory drug test.

Napag-alaman, dahil sa matinding pinsala sa katawan, binawian ng buhay si PO1 Jojo Banaigaso Juarbal, nakadestino sa police outpost sa Brgy. Bonbon sa nasabing lungsod.

Habang kritikal ang driver ng tricycle na si Benjamin Bergonia Apego, residente ng Luz Village sa Butuan, at apat niyang mga pasahero na sina Geraldine Pantilla Ordaniel, 30, residente ng Brgy. Buhangin, Davao City; Florian Faith Bayawa, 28, at kanyang asawang si Jovani Galte Bayawa, 33, parehong residente ng Crown Villa, ng Brgy. Bayanihan nitong lungsod.

Napag-alaman, unang nabundol ng SUV ang tricycle at nang ito’y mag-swerve na ay harapan nitong nabangga ang kasalungat na motorsiklong minamaneho ng biktimang pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …