Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH ‘di tuta ng Kano — Palasyo

UMALMA ang Palasyo sa pagtawag  ng Chinese media sa Filipinas na tuta ng Amerika dahil sa isinasagawang joint RP-US Balikatan Exercises sa bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang batayan ang bintang ng Chinese media dahil hindi sunud-sunuran ang Filipinas sa kagustuhan ng Amerika.

“We don’t understand where this insecurity of the Chinese towards us is coming from. Where do we have the wherewithal to compete against China as a superpower,” aniya.

Taon-taon aniyang ginagawa ang military exercises ng puwersa ng Amerika at Filipinas alinsunod sa Mutual Defense Treaty at Visiting Forces Agreement.

Ang batikos ng China sa Filipinas ay sa harap nang mainit na isyu sa West Philippine Sea na inirereklamo ang ginagawang reclamation ng Tsina sa mga isla at  ang  pag-harass  sa mangingisdang Filipino.

Idinagdag ni Lacierda, hindi lamang sa defense strategy nakasentro ang military exercise kundi kasama rin dito ang search and rescue operations sa panahon ng kalamidad.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …