Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, niregaluhan ng kotse ang amang si Rommel; BB, naaksidente sa motor

ni Pilar Mateo

042315 romel robin daniel padilla bb

ALL in the family! Naaksidente sa motorsiklo noong Lunes ng umaga ang isa sa bida ng 2 1/2 Daddies ngTV5 na si BB Gandanghari!

Kaya sa presscon sana nilang tatlo ng mga utol niyang sina Rommel at Robin Padilla at ng anak ni Rommel in real life na si Aryanna na siyang si Baby Bamba, pabirong itinuro ni Robin si Rommel na siyang may kasalanan.

Nasa kasagsagan pala kasi ng pagpapraktis niya ng motorsiklo si BB na hilig naman nito para rin sa idea nila ni Rommel sa Motorcycle Tour ng kanilang pamilya na magki-kick off sa Oktubre ng taong kasalukuyan.

Habang tsinitsika namin sina Rommel at Robin eh, nagte-text naman si BB sa mga utol niya para sabihing na-x-ray na siya at muntik ngang madale ang balikat niya. At humingi ito ng paumanhin sa press dahil hindi siya nakadalo.

Happy si Rommel dahil halos lahat na yata ng kanyang anak eh sumunod na sa yapak ng mga Padilla sa pag-arte kasama na nga ang pinakabunsong si Aryanna.

Tuwang-tuwang ipinagmamalaki ni Rommel si Daniel dahil sa napaka-bait at generous daw talaga ang kanyang anak. Nito ngang nagdaang kaarawan niya eh sinorpresa na lang siya ng isang sasakyan. Hindi raw niya kailanman inobliga si Daniel at sinabi sa mga anak niya na sustentuhan siya. Pero taal na sa mga ito ang maging maalalahanin at maalaga sa kanilang mga mahal sa buhay.

Isang Harley Davidson ang noon pa pinapangarap ni Rommel na ipinaalam na niya sa dating karelasyong mama ni Daniel na si Karla (Estrada). Pero lagi raw itong nagbibingi-bingihan kapag binabanggit niya. Alam daw ‘yun ni Daniel at kasama niya ito sa nasabing pangarap.

Sabi nga namin kay Rommel baka gulatin na lang siya ng anak at ‘yun na ang mabungaran niya one of these days.

Excited na si Robin sa trip nila ni Mariel (Rodriguez) sa Spain this May. Tatlong buwan palang mamamalagi roon si Robin para tapusin na ang pagkompleto sa lineage o family tress ng kanilang angkan. Sa Toledo at Sevilla siya mamamalagi dahil doon daw nagmula ang kanyang mga ninuno.

Kaya nga biniro rin namin ito na malamang, doon na uli mabuo ang baby nila ni Mariel.

“Natutuwa nga ako sa timing ng pagdating ng ‘Happy Wife, Happy Life’ sa kanya. Kasi natakot na ako noong dinatnan na siya ng depression . Hindi ko alam kung ano na ang direksiyong gusto niyang puntahan. Parang masisira na ang isip. Kaya during those times, binibigyan ko talaga siya ng mga gagawin.”

Nagtitiis nga raw siya na wala munangsex dahil doctor’s advice naman ‘yun.

So, ang tanong namin, paano?

“Itanong niyo sa Lola Mariel niyo. Siya may alam!”

Hindi rin inakala ng magkakapatid na aabot ng season 2 ang palabas nila na ang may idea eh sina Rommel at BB. Kaya sa Sabado, Abril 25, simula na uli ng kaabang-abang na kabanata sa buhay ng 2 1/2 Daddies sa Pastoran household!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …