Sunday , December 29 2024

Akusasyon ng HK solon insulto sa Pinoy workers

regina ipISANG malaking insulto sa  Filipino overseas workers sa Hongkong ang pagbansag ng isang babaeng mambabatas na “homewrecker” sila, ayon sa Palasyo.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan at walang batayan ang bansag ng pulitikong si0ng Hongkong, sa OFWs at malaking insulto ito sa mga manggagawang Filipino sa abroad.

Kung tutuusin, dapat aniyang tumanaw ng utang na loob ang mga taga-Hong Kong sa OFWs dahil inaalagaan nila ang kanilang mga anak kapalit ng sakripisyong iwanan ang kanilang pamilya sa Filipinas.

Mahirap aniya ang  trabaho ng OFWs sa Hong Kong dahil bukod sa pag-aalaga sa anak ng kanilang employers  ay pinagsisilbihan pa ang buong pamilya.

Naniniwala si Lacierda na hindi sinasang-ayonan ng mga mamamayan ng Hong Kong ang bansag ni Ip sa mga Filipino dahil mas nakikita nila ang ginagawang tapat na pagsisilbi ng mga Filipino.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto Manila

Maynila, kinilala sa DSWD Social Technology Expo Award Night — Mayor Honey

WALANG patid ang pagbibigay pagkilala sa  lungsod ng Maynila sa ilalim ng pamamahala ni Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *