Wednesday , November 6 2024

Abolisyon ng Filipino sa kolehiyo pinigil ng SC

PINIGIL ng Korte Suprema ang pagtanggal sa subject na Filipino sa kolehiyo.

Nitong Miyerkoles, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) kaugnay ng petisyon ng grupo ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera laban sa memorandum ng Commission on Higher Education (CHEd) na nag-aalis sa Filipino at Panitikan sa general education curriculum simula sa 2016.

Inaatasan ang CHEd na magsumite ng komento sa petisyon sa loob ng 10 araw.

Una nang iginiit ng CHEd na sapat nang mapag-aralan ang Filipino sa high school lalo pa’t may dagdag pang dalawang grade level sa basic education sa ilalim ng K-12 program.

Ngunit pagtutol dito ng Alyansang Tanggol Wika, labag sa Konstitusyon na harangin ang pagsusulong ng Filipino sa larangan ng edukasyon at tinatayang 10,000 sa kanila ang mawawalan ng trabaho dahil sa kautusan ng CHEd.

Itinuring ng Alyansang Tanggol Wika na tagumpay para  sa kanila at sa mamamayang lumaban sa (CHEd) Memorandum Order No. 20, series of 2014, ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema kahapon kaugnay sa pagtatanggal sa asignaturang Filipino sa kolehiyo.

“Patuloy na tumitindig ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP), kasama ng mga guro at mag-aaral ng Filipino na kasapi ng Tanggol Wika, ang pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang desisyon ng Korte Suprema na pigilan ang pagpapatupad ng CMO 20 ay isang mahalagang tagumpay na nakamit nang sama-samang pagkilos ng mamamayang lipos ng makabayang diwa upang mapanatili ang pagtuturo ng Filipino sa antas tersyaryo,” pahayag ni Marc Lino Abila, pambansang pangulo ng CEGP.

Aniya, sinabi ng CHEd na ang CMO 20 ang tugon ng ahensiya sa programang K-12 ng pamahalaang Aquino. Ngunit idiniin nilang isang kataksilan sa bayan ang isang polisiyang magtatanggal ng pagtuturo ng wikang Filipino sa kabataang-estudyante sa kolehiyo. Kinakailangan anilang pagyamanin pa ang ating wikang pambansa kaya’t marapat lamang ang pagpapanatili ng Filipino sa ating kurikulum sa kolehiyo.

Samantala, kaugnay ng usapin ng K-12, idiniin ni Abila na malinaw ang kolonyal na katangian ng programa na babansot sa diwang makabayan ng ating kabataan. “Hindi dahilan na ituturo sa mababang antas ng K-12 ang pagiging makabayan kundi dapat tuloy-tuloy ang pagtuturo ng kahalagahan ng ating pagkamamamayan at wika hanggang sa mas mataas na pag-aaral.”

Patuloy aniyang lalaban ang CEGP at iba pang progresibong organisasyon ng kabataan sa mga makadayuhang polisiya sa edukasyon. Magpapatuloy rin anila ang kabataan sa pagsusulong ng isang porma ng edukasyon na tunay na maglilingkod sa interes ng sambayanang Filipino.

FRONT

IPINAGMALAKI ng Department of Education (DepEd) na handang-handa na sila sa full implementation ng Republic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o mas kilala sa tawag na K-12 program.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, dahan-dahan nilang ipinatupad ang bagong kurikulum at mula noong 2011 ay sinimulan nila ang K-12 sa kinder at pagpasok ng bagong school year ay Grade 5 to 10 upang sa 2016-2017 school year ay may unang batch ng mga estudyante na tutuntong ng Grade 11.

Tungkol sa isyu ng classrooms, inihayag ng opisyal na natugunan na nila ang mga pagkukulang at sa katunayan ay patuloy ang pag-construct ng 20,000 hanggang 28,000 na silid aralan.

Maging ang kakulangan sa mga upuan, aklat at palikuran ay wala na aniyang magiging problema para sa pagpapatupad ng K-12.

Una rito, ilang grupo ang nakatakdang magsagawa ng kilos protesta sa Mayo upang tutulan pa rin ang K-12 program.

Sa Supreme Court ay mayroon ding nakabinbin na petisyon laban sa naturang programa.

Rowena Dellomas-Hugo

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *