MALAKI ang pasasalamat ni Lander Vera Perez sa kanyang misis na si Regine Tolentino sa pag-e-engganyo sa kanyang sumali sa kanilang Zumba sessions noon. Dito kasi nagsi-mulang mas maging aware ang aktor hinggil sa healthy lifestyle.
“Actually, napilitan lang talaga ako noong una. Kasi, noong first day namin dati sa zumba, dalawa lang ang nag-attend. So sabi sa akin ni Regine, hinila niya ko, ‘O, subukan mo naman para at least maaliw naman sila, kasi nagzu-zumba ka.’
“So, sinubukan ko, tapos sinubukan ko ulit, hanggang sa nagustuhan ko na ang pagzu-zumba.
“Anyways, yun ang nangyari and eversince ay ‘di na ako tumigil. I lost 40 pounds na. Mga three years pa lang ako sa zumba. Si Regine ang mas matagal,” kuwento ni Lander nang makapanayam namin sa Fashion Fitness Fusion event nila na ginanap sa Fisher Mall last April 18.
Talaga bang nakaka-adik daw ang zumba?
“Sobra, sobrang nakaka-adik!” Bulalas niya. “Hindi ko akalaing magugustuhan ko yun specially na lalaki ako. Kasi siyempre, may mga kembot-kembot doon na medyo alanganin o parang awkward noong simula.
“Pero once na nakita ko yung ibang lalaki na ginagawa siya, naisip ko na, ‘Ah puwede naman pala, hindi naman pala mukhang alanganin or something.’ Kaya, nagtuloy-tuloy na ako talaga,” nakangiting esplika niya.
Anong napi-feel mo kapag nagzu-zumba ka?
“Natural high siya e and you feel more energized. It’s weird nga e, mas maaga kang natutulog, mas maaga kang nagigising and you have the energy the whole day. So, marami talagang benefits and siyempre ‘di lang ‘yun, dapat kumain nang tama.
“Kaya I’m so proud sa fa-mily ko na healthy ang lifestyle namin talaga. Super proud ako kay Regine, kasi kung hindi dahil sa kanya ay ‘di ako mapupunta sa zumba. So, very thankful ako at naging healthy ulit ako, kasama ng mga bata,” masayang saad pa ni Lander.
Sina Lander at Regine ay kapwa licensed zumba instructors. Samantala ang panganay nilang anak na si Reigne na at 16, ay youngest licensed Zumba instructor sa Pilipinas.
Ukol naman sa acting career ni Lander, nagpapasalamat si Lander dahil abala siya ngayon sa iba’t ibang projects. Kasali siya Kailan Ba Naging Tama Ang Mali ng Kapuso Network.
Sa pelikula naman, bahagi si Lander ng John Lloyd Cruz starrer na Honor Thy Father at sa Palo Palo na pinagbibidahan naman ni Joseph Bitangcol.
ni Nonie V. Nicasio