Monday , December 23 2024

Electrician nahulog sa bike nagulungan ng bus, todas

072414 road traffic accident

PATAY ang isang 44-anyos electrician makaraan mahulog sa minamanehong bisikleta at magulungan ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Freddie Jagonap, residente ng Block 41, Lot 11, Section 7, Phase1, Pabahay 300, San Jose Del Monte Bulacan. Kusang loob na sumuko ang suspek na si Wilfredo Manalang, 45, driver ng Alabang Metro Link bus (AAI-2455), ng #382 PNR Compound, Brgy. 73 ng nasabing lungsod, naharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa ulat ni SPO2 Fernan Romero, traffic investigator, dakong 3 p.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C-3 Road, kanto ng 6th St., ng nasabing lungsod.

Binabaybay ng biktima ang lugar nang masagi ng bus ang likurang gulong ng bisekleta dahilan upang siya ay mahulog.

Pagkaraan ay pumailalim ang biktima at nagulungan na nagresulta ng kanyang kamatayan. (ROMMEL SALES)

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *