ni Ambet Nabus
GALING na aktres nga talaga marahil si Coney Reyes dahil sa pagsisimula pa lang ng Nathaniel na nag-pilot episode last Monday, agad-agarang inis at galit ang mararamdaman mo sa kanyang karakter.
Kung hindi nga lang namin siya naririnig at nawi-witness sa mga patotoo niya sa magandang balita ng Biblia, eh iisipin naming ganoon nga siya kasuwapang na tao hahaha!
Hashtag #biktima nga agad kami ng karakter ni Coney Mareng Maricris. But in fairness, nakatutuwa sina Shaina Magdayao at Gerald Anderson as young couple (parents ni Nathaniel) na mas piniling maging simple ang buhay kahit sobrang hinahadlangan ni Coney (mommy ni Gerald) ang lahat sa kanila.
Bagay kay Gerald ang role niya as Paul, habang si Shaina naman ay napaka-engaging panoorin as Rachel lalo na roon sa breakdown scene niya nang mamatay na si Nathaniel.
For sure, isa na naman itong makabuluhang serye na tatatak sa mga manonood. Ang lakas maka-anghel-feeling hahaha!