Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biyudo nagsaksak sa leeg, nagbigti

091614 bigti laslas saksak

BUNSOD nang matinding depresyon, nagsaksak sa leeg at nagbigti ang isang biyudo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Police Officer in Charge (OIC) Sr. Supt. Joel Doria ang biktimang si Alex Cagatin, 35, walang trabaho, tubong Dipolog City, nangungupahan sa Block 79, Lot 11, pagitan ng 10th at 25th Sts., Villamor Airbase, Pasay City.

Base sa pahayag sa pulisya ni Senior Navy 2 Rod Somera, 25, ng Philippine Navy, inimbita niya ang biktima na sumama sa kanila sa marketing sa VAB Market, ngunit tumanggi at ikinatwiran na magpapahinga na lang siya.

Bunsod nito, iniwan nila mag-isa si Cagatin sa kanyang kuwarto.

Dakong 7 p.m. muling pinuntahan ni Somera ang biktima sa inuupahanng kuwarto, ilang ulit niyang kinakatok ang pinto, ngunit hindi tumutugon.

Pinuwersa niyang buksan ang pinto ng kuwarto ng biktima at tumambad sa kanya ang wala nang buhay na si Cagatin na may saksak sa leeg at nakabigti sa kisame.

Napag-alaman, namatay ang misis ni Cagatin sa panganganak, anim taon na ang nakakaraan.

Aniya, simula nang mamatay ang misis, lagi nang malungkot ang biktima. (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …