Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Truck swak sa bangin 5 patay, 30 sugatan

072414 road traffic accidentCAUAYAN CITY, Isabela – Umakyat na sa lima ang patay habang 30 ang sugatan sa pagkahulog ng isang forward truck sa tabi ng ilog sa Nagtipunan, Quirino kamakalawa.

Ang truck ay galing sa Osmeña, Cordon, Isabela at patungo sana sa Dinadiawan, Aurora Province para sa outing ng pamilya ng balikbayan na nurse mula sa Egypt na si Norilyn Rapada-Calahi na namatay sa ospital.

Ang apat iba pa na agad binawian ng buhay ay sina Juanita Rapada, Nida Orio, isang alyas Nonong at Kimberly Supnet.

Sinabi ni Sr. Inspector Victoriano Yarcia, hepe ng Nagtipunan Police Station, galing sa mataas na bahagi ng daan ang truck at nang pababa na ay nawalan ng preno ang driver kaya bago marating ang tulay ay natumba, gumulong at nahulog sa tabi ng ilog.

Nagtulungan ang iba’t ibang rescue team sa pangunguna ng mga pulis sa bayan ng Nagtipunan sa pag-rescue sa mga biktima.

Unang dinala ang mga nasugatan sa Maddela District Hospital sa Maddela, Quirino ngunit inilipat sila sa Quirino Medical Center sa Cabarroguis, Quirino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …