Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, wish na makahalikan si Piolo; Mommy Divine, pumayag kaya?!

ni Alex Brosas

042115 Sarah Geronimo piolo pascual

WILLING si Sarah Geronimo na magkaroon ng kissing scene kay Piolo Pascual.

Such a bold move coming from Sarah, ‘di ba? Ang tanong lang ng marami, hindi kaya kumontra ang madir niyang si Divine Something? Alam na alam kasi ng fans ni Sarah kung gaano kahigpit ang nanay ng dalaga.

In one of her earliest movies with John Lloyd Cruz, muntik nang magkaroon ng kissing scene ang dalawa while inside a car. Nang aktong magdidikit na ang lips nila, hindi raw nakapagpigil si Divine at binato niya ng box ng tissue ang director kaya napasigaw ito ng cut.

May halong sarcasm ang mga comment na nabasa namin sa isang website.

“ambisyosa ba? baka sugurin ng nanay mo si Piolo dai!,” say ng isang fan.

“Hahaha..that’s funny idol but I hope ur Mom agree..if ever not agree tell ur Mom I’m adult enough and it is a movie only Lol,” komento naman ng isa pa.

“Cge ka sarah bantay ka sa nanay mo cgurado aqng nbbasa nya itong post, wag ka matulog ng mahmbng bka pagcng mo nmn hnd lng trimed mangyari sa bhok mo kundi todo kalbohin kna ng nnay mong super higpit!” maanghang naman na opinion ng isa pang fan.

Matuloy kaya ang wish ni Sarah na magkaroon ng kissing scene with Piolo? Kung mangyari ang kissing scene, hindi kaya pumalag si Divine? Ano naman kaya ang magiging reaction ng boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …