ni Ronnie Carrasco III
STILL on Empress. Nang malaman ng isang handler ang pagbubuntis nito, isa lang ang kanyang naibulalas, ”Magkakabarkada nga sila nina Helga at Melissa!”
Vague as the handler’s opinionated analysis sounded, agad namin siyang tinanong kung sino sina Helga at Melissa na binanggit niya.
Si Helga pala ay isang ABS-CBN talent (sorry, her name doesn’t ring a bell); samantalang si Melissa Ricks pala ‘yung isa. According to the handler, Helga, Melissa and Empress are very close friends, lalo na noong nasa ABS-CBN pa ang huli.
Lumalabas tuloy na ang insinuation ng handler since the three are like sisters ay iisa rin ang kanilang kapalaran.
Whatever their fate may be, sa bandang huli’y isang biyaya pa ring maituturing ang kanilang pagbubuntis. At sino namang babae would exchange an expectant motherhood para sa kanyang career, and in the case of those three women, ipagpapalit ba nila ang blessing na ito sa kanilang karera that hardly took off anyway?