Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magkalaguyo ipinakulong ng biyenan (Naaktohang nagtatalik)

110414 affairGENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng pulisya sa Malapatan Sarangani province ang isang babae at kalaguyo makaraan ireklamo ng biyenan nang maaktohan ang pagtatalik ng dalawa sa loob mismo ng pamamahay ng kanyang anak.

Pursigido si Renato Labid na kasuhan ng adultery ang kanyang manugang na si Glory Labid, 25, habang concubinage kay Ranie Basalan, 40, kapwa mga residente ng Lun Padidu, Malapatan, Sarangani.

Sinabi ng nakatatandang Labid, pumasok sa bahay ng kanyang anak ang suspek pasado 11 p.m. nitong Sabado at nakitang hubo’t hubat ang dalawa habang nagtatalik kaya’t tinawag ang isa pa niyang manugang para makita ang kalaswaang ginagawa ng dalawa.

Nabatid na apat na araw pa lamang pumalaot ang mister ni Glory habang ang misis ni Ranie ay nagtatrabaho sa Maynila.

Itinanggi ni Glory ang paratang at sinabing nagsangla lamang ng cellphone si Ranie at hindi totoong wala silang mga saplot sa katawan dahil nag-uusap lamang sa sala ng bahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …