Saturday , November 23 2024

Chinese nat’l dinukot ng 2 kababayan

Police Line do not crossDAHIL sa pautang, dinukot ang Chinese national ng dalawang lalaking hinihinalang kalahi niya kamakalawa sa Makati City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jiangwy Wu alias Owen Wu, 37, nanunuluyan sa Unit 1511, 15th floor, Executive Tower 1, Cityland Condominium, Dela Rosa St., Brgy. Pio Del Pilar ng lungsod.

Nagtungo kamakalawa sa tanggapan ng Makati City Police ang nobya ng biktima na si Jennifer Wang, 27, isa rin Chinese national, para i-report ang ginawang pagdukot sa kanyang nobyo na si Wu.

Aniya sa pulisya, makaraan silang maghapunan dakong 10 p.m. ay umalis ang biktima at nang tawagan ang nobyo sa cellphone ay sumagot naman.

Ngunit habang kausap ni Wang ang kasintahan may narinig siyang may sumingit sa kanilang pag-uusap na nagsasalita sa Chinese, ngunit hindi niya gaanong naintindihan dahil maingay ang linya.

Pagkaraan ay dumating ang duty guard ng Cityland at inihayag na may nakarating na report na ang biktima ay dinukot ng dalawang lalaking Chinese looking dakong 10 p.m. sa harapan ng Executive Tower 1 ng condo at isinakay sa isang puting Ford Focus (ZDB-961) at pinaharurot ito patungong Chino Roces Avenue.

Sa impormasyong nakalap ng Makati City Police, nabatid na pinautang ng biktima ang kapwa niya Chinese at collateral ang sasakyan.

Kondisyon ng biktima, kapag hindi nakabayad sa kanya ay iilitin niya ang sasakyan.

Ayon sa pulisya, base na rin sa pahayag ng kasintahan ng biktima na si Wang, posible aniyang may kagagawan sa pagdukot kay Wu ang may pagkakautang sa biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *