Friday , November 22 2024

Ang  pagbibitiw ni Sevilla: True  or False?

00 Palipad hangin Arnold ataderoHINDI kakaunting tsismis ang kumalat na sina-sabing nagbitiw na si Commissioner Sevilla sa puwesto.

Wala pa nga na nagagawang spectular kung hindi ang pagpapasibak sa puwesto ng mga career collectors  na pinalitan ng mga retiradong heneral ng armed forces.

Kung collection naman ang pag-uusapan, aba  e  aabot na sa P100-billion ang shortfall ni Sevilla sa loob  ng 14 months. Sa pag-”TERRORIZE” ng mga  empleyado, oks na oks si Commissioner. Dapat nga naging sekyu na lang siya kaysa commissioner.

Ngayong umaga pagkatapos ng 8:30 a.m., flag  ceremony, mayroon daw importanteng sasabihin si  Sevilla na lubhang flavour of the month ng mga tsismis  na siya raw ay magbibitiw.

Isang grupo ang nagsabing pinatawag si Sevilla ni Secretary Ochoa para  sabihin  sa  kanya.

Sa ugali ng administration ni Pinoy, hindi naninibak basta-basta ng  appointee, lalo pa’t si Sevilla na alam  natin na malapit kay Finance Secretary Purisima. Hindi  naman si-nabi kung bakit, pero ito raw ay may connection sa 2016 presidential  elections.

Sa  totoo lang, si Sevilla ay hindi kurakot. Pero  kung siya ay gagamitin para  mag-fund raising para  sa   mga administration national candidate hindi lalo ito pagagamit. Talagang aalis at maggo-goodbye sa customs.

Ilan sa mahahalagang isyu ay mga nakatenggang  napakaraming container van dahil sa bagal ng pagpapalabas ng Clearance ng Office of  the  Commissioner. Mga negosyante sila na siyang nagpapalaki ng revenue collection.

Isa pa, marami sa mga importer ay nasasaktan sa sobrang higpit ni Sevilla (hindi siya flexible at simple  violation patatagalin na ang paglalabas ng clearance, kung bibigyan pa ng clearance.

Sobrang higpit ni Sevilla kaya sobrang tagal ng pag-release ng mga cargo. Nakatengga sa mga pier at delikadong manakaw ang mga laman nito. Lumusot na   kaya ang mga libo-libong tonelada ng pagkamamahal na bigas na ang  tanging violation lang ay walang NFA   permit. Kaya madalas magsampa na lang ng mga kaso sa korte laban sa pag-ipit ng mga shipment ng bigas.

Kahit ba walang NFA permit na for sale naman, bakit hindi pagbayarin na lang ng tamang buwis (50-50  percent plus penalty kung kinakailangan).

Kaya  habang nakatenga ang mga bigas sa pier, ito  ay pinagsasamantalahan ng mga sindikato.

This morning daw iaanunsiyo ang ukol  sa   matunog na tsismis na siya ay NAG-RESIGN.

Hating- hati ang reaction sa tsismis  na ito. Maraming lubha ang hindi happy sa pamamalakad  ni Sevilla dahil sa sobrang higpit.

May tsismis na kung sisibat si Sevilla malamang  daw na si dating Commissioner Bert  Lina, ng  famous HYATT 10, ang papalit.

Mayroon din tsismis baka raw si  Deputy  Commissioner Ariel Nepomuceno na lubha daw malapit   sa mga utol  ni PNoy. Pero kung si Ariel daw ang ipapalit,  malamang  na magpaalam  na si  Deputy  Commissioner Jessie Dellosa.  The two are not seeking eye to eye, kuno.

Abangan natin ngayon. Pag nagkataaon, malaking  celebration sa Bureau kung magiging totoo ang   tsismis. 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *