Saturday , November 23 2024

2 dalagita pinatay ng 2 stepfather

112514 crime sceneDALAWANG dalagita ang karumal-dumal na pinatay ng dalawang stepfather sa Cebu at Sorsogon, kamakalawa.

Sa Cebu, pinagsasaksak ng isang padre de pamilya hanggang mapatay ang dating karelasyon ng kanyang stepdaughter na tomboy sa Sitio Laguna, Brgy. Loriega, San Miguel, sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Dina Zamora, 18, at residente ng Sitio Dakit, Brgy. Guadalupe nang nasabing lungsod.

Habang ang suspek ay kinilalang si Ronalio Opura, 55, may asawa, at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO2 Romel Bangcug ng Cebu City Police Office Homicide Section, hiwalay na ang stepdaughter ng suspek na si Rose Ann Opura at ang biktima ngunit gumawa lamang nang paraan si Ronalio para magkaayos ang dalawa.

Ngunit nalaman ng suspek na may iba na palang kinakasamang tomboy ang biktima na labis niyang ikinagalit.

Sinugod ang bahay ng bagong karelasyong tomboy ng biktima at naaktohan umano na naglalampungan ang dalawa.

Hindi nakapagtimpi ang suspek, binugbog ang biktima na humantong sa pananaksak.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang suspek.

Samantala sa Sorsogon, naglunsad ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa suspek sa pagpatay sa kanyang 17-anyos stepdaughter.

Kinilala ang biktimang si Angelica Lovedorial mula sa Bgy. Milagrosa Purok 1, bayan ng Castilla.

Ayon kay Insp. Christine Yorin, hepe ng Castilla Municipal Police Station, hindi pagkakaunawaan  ang dahilan ng insidente.

Sinasabing sinugod ng suspek na si Noel Lovedorial ang biktimang si Angelica habang naglalaba sa ilog.

Sandaling nag-usap ang dalawa hanggang mag-init ang ulo ng suspek.

Sa harap ng mga kapitbahay, sinabunutan muna ang dalagita, at nang tumingala ay ginilitan sa leeg na nagresulta sa agaran  kamatayan nito.

Ayon kay Yorin, ang suspek din ang nasa likod nang pagpatay sa kanyang sariling kapatid at sa ama ng biktima.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa salarin na nagbantang magpapakamatay makaraan ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *