Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

15-anyos OSY hinalay ng kapitbahay

101614 rape girl abused

ISANG 15-anyos dalagita ang naging biktima ng panggagahasa ng kanilang kapitbahay sa Navotas City kamakalawa ng umaga.

Halos  hindi makalakad at namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak nang dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Jean, out of school youth (OSY), ng Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.

Agad naaresto ang suspek na si Christopher Bornasal, 29, ng Ignacio St., ng nasabing barangay, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse), nakapiit sa detention cell ng Navotas Police.

Batay sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk, dakong 6 a.m. nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima saka siya ginahasa.

Pagkaraan ay nagbanta ang suspek sa biktima na huwag magsusumbong kahit na kanino dahil may masamang mangyayari sa kanya.

Ngunit dumating ang kanyang ate na napansing tulala ang dalagita.

Nang tanungin, agad ipinagtapat ng biktima ang insidente kaya agad silang nagtungo sa himpilan ng pulisya saka ipinaaresto ang suspek.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …