Monday , December 23 2024

Sapat na supply ng matibay na coins dapat tiyakin ng BSP

coinsISANG consumer advocate ang umapela sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tiyakin ang sapat na supply ng barya o coins na de-kalidad at matibay upang hindi kapusin at mawala sa sirkulasyon na lubhang makaaapekto sa mga mamimili at mga pasaherong umaasa rito sa pang araw-araw na buhay.

Sa isang panayam sa Quezon City kahapon, ipinahayag ni Rodolfo “RJ” Javellana, convenor ng Union of Filipino Consumers and Commuters (UFCC), nabahala ang grupo niya sa mga balita kamakailan tungkol sa posibleng coin shortage dahil sa plano ng BSP na bumili ng bagong coins na ginawa sa pamamagitan ng tinatawag na ”Multi-Ply” technology.

“Nagsagawa kami ng pananaliksik tungkol sa sinasabing ‘Multi-Ply’ coins na ginagamit na sa ilang bansa, at natuklasan naming nagkaroon ito ng problema hinggil sa tibay, batay sa ordinaryong paggamit nito,” sabi ni Javellana.

“Napag-alaman din namin na nauna nang sinubukan ng BSP ang ‘Multi-Ply’ technology at naglabas ng limitadong bilang ng iba’t ibang klaseng coins sa bansa, at naghahanap kami ng sample upang subukan ang tibay nito kompara sa ibang coins na ginagamit sa ngayon,” dagdag niya.

Iginiit ni Javellana na ang paggamit ng sinasabing bagong teknolohiya ay maaaring magresulta sa mahinang klaseng coins na magiging perhuwisyo sa mga mamimili at pasaherong umaasa rito.

“Sa ngayon, napag-alaman din namin na ilang jeepney drivers ang hindi na nagbibigay ng eksaktong sukli sa kanilang mga pasahero, dahil umano sa kakulangan ng coins na tig-25 sentimong panukli sa mga pasahero lalo na sa mga rutang minimum fare lamang ang bayad,” sabi ni Javellana.

Tinutukoy ni Javellana ang kasalukuyang taripa sa mga jeepney sa Metro Manila na P7.50 – nangangahulugan ito na kailangan magsukli ang mga driver ng P2.50 kung ang pasahero ay magbabayad ng P10 na coin.

Pero sa halip, ang isinusukli ng mga driver ay P2.00 na lamang dahil umano sa kakulangan ng coins – nagreresulta sa dagdag na 50 sentimos na ibinabayad ng mga pasahero tuwing sila ay sasakay ng jeep.

“Para sa mga minimum wage earners o mas mababa pa rito, lubha silang apektado. Ang pagkakaroon ng coin shortage ay direktang makaaapekto sa mga mamimili at mga pasahero, kaya’t nananawagan kami sa BSP na iwasan ang ganitong sitwasyon,” dagdag ni Javellana.

Napaulat na ang Filipinas ay nahaharap sa coin shortage dahil sa rekomendasyon ng Numismatic Committee ng BSP na ipatupad ang Multi-Ply technology sa pagpapagawa ng iba’t ibang coins sa ilalim ng programa nitong New Generation Currency.

Ayon sa balita, ang Multi-Ply coins ay mas marupok at mababa ang kalidad, at ang karaniwang itinatagal nito ay limang taon lamang, kompara sa sampung taon na itinatagal ng ibang coins.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *