Thursday , December 26 2024

Pangha-harass ng Aleman tinuldukan ng hukuman; dalawang libel, idinismis

00 Kalampag percyNATUTUWA tayo dahil hindi na pinalawig pa ni Manila Regional Trial Court Branch 45 presiding Judge Gamor Disalo ang dalawang kasong libelo laban sa inyong lingkod.

Ibinasura ni Disalo noong nakaraang linggo ang 2-counts ng libel dahil sa hindi pagsipot ng dalawang dayuhang Aleman na nagsampa ng kaso at ng kanilang abogado sa mga itinakdang pagdinig ng hukuman.

Patunay na harassment talaga at panggigipit lang ang pakay ng mga negosyanteng dayuhan na sina Gabor Koos at Andreas Giese laban sa inyong lingkod dahil mula sa paghahain ng reklamo sa Manila Prosecutors Office hanggang sa mga itinakdang pagdinig ng hukuman ay hindi sila lumutang kahit isang beses gayong sila ang mga complainant.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagkakalathala natin sa reklamong idinulog sa atin ni Johnson Eleazar, dating empleyado at dental technician sa Empress Dental Laboratories, isang kompanyang sangkot sa exportation ng postizo na pag-aari at pinatatakbo nina Koos at Giese.  

Halos siyam na taon ang lumipas mula nang akusahan tayo ng paninirang puri nina Koos at Giese bunsod ng pagkakalathala natin sa reklamong “non-payment of overtime, incentives at alteration of company policies” laban sa dating empleyado ng mga kalahi ng Nazi leader na si Adolf Hitler.

Lumapit noon sa atin si Eleazar sa pangambang mabalewala ang kanyang reklamo sa DOLE-NCR at matulad sa ibang empleyado na naunang nagreklamo laban sa kompanya ni Koos.

Ibig sabihin, ang inilathala nating reklamo ay suportado ng mga dokumento pero sa hindi malamang dahilan ay iniakyat ng Manila City Prosecutors Office sa korte kaya nagpiyansa ang inyong lingkod habang ang anino ng mga nagreklamo ay hindi nasilayan sa piskalya at hukuman kahit saglit.

Ang mga nakakasuhan ng libelo ang nagsisilbing barometro ng mga nasa media bilang sukatan kung hanggang saan ang limitasyon ng kalayaan sa pamamahayag.

Libel case sa atin ng “bata” ni Ms. Gigi ibinasura ng korte

NOONG September 2012, ibinasura rin ng Manila RTC ang dalawang hiwalay na kasong libelo laban sa atin na isinampa ng isang dating mataas na opisyal sa Bureau of Customs (BoC).  

“Being in public office is like entering a lion’s den,” paliwanag ni senior assistant city prosecutor Emily Brul-Cruz nang katigan ang pagbasura sa libel case na isinampa laban sa inyong lingkod ni dating Port of Manila (PoM) district collector Rogel Gatchalian.

Abogado pa namang naturingan ang damuhong si Gatchalian kaya dapat sana ay alam niya kung may basehan o wala ang isinampa niyang kaso.

Palibhasa nga ay harassment ang kanyang pakay para pansamantalang pigilan ang pagsi-ngaw ng kanyang mga itinatagong bantot sa Customs kaya siya nagsampa ng libelo.

Umaray si Gatchalian sa pagbatikos natin dahil sa pag-isyu niya ng subpoena sa isang mamamahayag na si Rex Borromeo para sabihin sa kanya ang mga impormasyon na pinagbasehan sa inilathala nitong mga illegal na ope-rasyon sa Bureau of Customs (BOC).

Si Gatchalian ay matatandaang nagbitiw matapos itapon na parang basura sa isang tanggapan sa Department of Finance at kilalang nakakuha ng mataas na puwesto sa Customs dahil sa kanyang koneksiyon kay Madam Gigi Reyes at Sen, Juan Ponce-Enrile. 

Ani Brul-Cruz, hindi dapat obligahin si Borromeo na mag-supply ng impormasyon sa BOC dahil tungkulin ng kawanihan, lalo na ni Gatchalian na imbestigahan ang operasyon ng  sindikato sa mga pantalan.

Dapat pa nga aniyang matuwa si Gatchalian sa artikulo at gawing tuntungan para walisin ang smugglers sa bakuran ng BOC.

“No matter how harsh the imputations and accusation may be, (the complainant) must not be onion-skinned as his intelligence and conscience will dictate who and what he really is,” sabi ni Cruz.

Kung gaya ni Brul-Cruz magpasya ang mga piskal, tiyak na maraming libel case ang hindi makararating sa hukuman at mawawalan ng tsansa ang mga kalaban ng press freedom na gipitin ang mga mamamahayag.

Payak pero makatuwiran ang desisyon niya at ito ang dapat tularan ng mga piskal kapag may napadpad na libel case sa kanilang tanggapan.

Dapat isaksak sa isip ng mga taong-gobyerno na sa media umaasa ang publiko para malaman ang mga nangyayari sa lipunan, partikular sa gobyerno.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *