Wednesday , November 6 2024

MILF training camp sa Iligan City binaklas

 BIFF

BINAKLAS ng militar at tribong Higaonon ang sinasabing training camp ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Rogongon, Iligan City.

Una nang inireklamo ng Higaonon ang panghihikayat ng MILF sa kanilang mga ka-tribu na sumapi sa rebolusyunaryong grupo.

Dagdag ng tribo, itinayo ang pasilidad sa bahagi ng kanilang ancestral domain.

Noong Enero huling nagsanay sa kampo ang mga MILF recruits mula Cagayan de Oro at Bukidnon. Inabandona rin ang lugar matapos magsumbong ang mga katutubo sa gobyerno.

Idiniin ng militar ang mga panuntunan ng ceasefire na nagbabawal sa pagdaragdag ng armas at pagre-recruit ng MILF ng mga bagong mandirigma.

Bagama’t una nang itinanggi ng MILF ang pangsasanay ng bagong fighters, umaasa ang AFP na tutuparin nila ang pangakong imbestigahan at pananagutin ang mga miyembrong sangkot sa binuwag na kampo.

BIFF nasa likod ng Maguindanao, Cotabato attack

COTABATO CITY- Pinaniniwalaang grupo ng liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang may kagagawan sa magkasunod na pagsabog sa Maguindanao at lungsod ng Cotabato.

Unang hinagisan ng granada ng riding in tandem dakong 7:15 p.m. kamakalawa ang police Detachment sa Brgy. Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Suwerteng walang nasugatan sa mga pulis ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente malapit sa police outpost.

Pagsapit ng 8:05 p.m. hinagisan din ng riding in tandem ang military truck ng Army Special Forces ng Philippine Army na nagpapatrolya sa Sinsuat Avenue sa Cotabato City malapit sa Aling Precy Restaurant.

Nagkabasag-basag ang salamin ng naturang restaurant dahil sa lakas ng pagsabog at nasugatan ang isang sibilyan na kinilalang si Dalmacio Villa, agad isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Hinabol ng mga sundalo at pulis ang dalawang suspek na lulan sa isang motorsiklo na naghagis ng granada ngunit bigo silang mahuli at hindi rin makapagpaputok ang mga mga awtoridad sa pangambang tamaan ang mga sibilyan.

About hataw tabloid

Check Also

San Rafael, Bulacan

Tresspasser nahulihan ng baril at granada

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na ito ay walang sabi-sabing pumasok sa bakuran …

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

The Office of the President suspended Dagupan City Councilors Redford Erfe-Mejia, Alipio “Alf” Serafin Fernandez, …

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *