Wednesday , November 6 2024

God is great & good

00 parehas jimmyAKO’y nagpapasalamat muli dahil sa naging pangatlong buhay ko dahil ako’y naaksidente noong Semana Santa, diyan ko makikita na sa isang iglap lang ay maaaring mawala ka sa mundong ito.

Salamat po Lord at hindi ako napuruhan at naging safe lahat ang aking laboratory results.

Thank you so much Lord at sa lahat ng mga kaibigan ko na palaging nakaagapay sa akin. Salamat po sa dasal at tulong ninyo.

***

BINABATI ko pala ang magagaling at kaaya-aya, magagalang at marunog humarap sa mga tao na pumupunta sa NBI Office of the Director, sa pangunguna ng Chief of staff na si Atty. Rusty Dejelia, Endrinal Weng, Happy, SI Manny Sanchez, Fe, Josie, Rudy, Val, Alex and the beautiful Glo Pablo, Manang also Aide-de-Camp Art Cheng at Joy.

Maraming nagmamahal kay Jerry Yap

Nakalulungkot ang ginawang harassment kay former NPC President at ALAM Chairman na aking kumpare at boss na si Jerry Yap. Hindi naman yata makatarungan ang pag-aresto sa kanya sa raw ng Linggo dahil lang sa kasong libelo.

Balewala na ba ang Department of Justice Order na bawal mag-serve ng warrant of arrest pag Biyernes at weekend?

Sana naman ay tumigil na ang pangha-harass ng ilang pulis sa kanya dahil sa totoo lang marami siyang kakampi sa AFP, PNP lalong-lalo na sa NBI.

Nangako rin ang mga kaibigan natin sa NBI na handa silang mag-imbestiga sakaling maghain ng formal complain si Mr. Yap.

Be strong boss Jerry.

***

Isa sa opisyal ng NBI na napakasipag ay si Atty. Vicente ‘Jun’ De Guzamn III na Assistant Regional Director ng NCR at Chief of staff ng Deputy Director Investigation Service.

Mula noong pumasok pa lang siya sa NBI ay talagang nagpakitang gilas at kakayahan na kaya niya ang kanyang trabaho.

Kaya naman ay napakarami niyang naitulong na magagandang accomplishment sa NBI at napakaraming nagtitiwala sa kanya dahil siya ay tapat na naglilingkod sa ating bayan.

Marami na siyang naresolbang kaso kagaya sa  abduction and killing of 25-year-old Kae Davantes. Atimonan Case, Vhong Navarro Case, illegal recruitment via internet sa mga nurse.

Siya rin ang nakahuli sa mga suspect na nag-upload ng Sex Scandal ni Hayden Kho, sa Swindler na si Catalina Villamarin na nagpapakilalang negosyante pero peke pala at iba pang malalaking kaso.

Talagang maasahan sa kahit anong oras dahil na rin sa mandato niya sa kanyang trabaho. Makatutulong sa pagresolba ng malalaking krimen sa buong bansa.

Kaya naman tuloy-tuloy ang magandang takbo ng kaniyang career sa NBI dahil sinusunod niya ang Nobility, Bravery and Integrity.

Naniniwala tayo na malayo pa ang mararating ni Atty. Jun De Guzman dahil sa kanyang determinasyon, sipag at tiyaga sa trabaho.

Isa siyang malaking asset sa NBI at kahit saan siya idestino sa NBI ay nagawa niya ang kanyang duties and responsibilities kaya naman maraming hanga sa kanya at lagi niyang sinusunod ang magandang programa ng kanyang mga boss.

Mabuhay ka Atty. De Guzman!

Mabuhay ang buong NBI and keep up the good work!

God bless!

***

Congratulations pala sa BOC X-ray Clark under Deputy commissioner Ariel Nepomuceno dahil sa pagkakahuli nila sa isang Korean National na may dalang 111 rifle Magazines without permit to import na natagpuan sa kanyang luggage sa Clark International Airport.

Ayon kay DepCom. Nepomuceno, talagang alisto ang kanyang mga tauhan sa mga paliparan lalo na sa mga kontrabando.

Congrats Customs Clark X-ray Team!

Keep up the good work guys!

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *