Monday , December 23 2024

8 katao naospital sa amoy ng muriatic at chlorine

toxic chemicalsOSPITAL ang kinahantungan ng walo katao kabilang ang dalawang pulis, nang makalanghap ng usok mula sa pinaghalong muriatic acid at chlorine makaraan ang masayang paliligo sa isang resort kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Isinugod sa Alabang Medical Clinic ang magkapatid na sina Eusebio Lowaton Jr., 39, at Eugene Lowaton, 32, kapwa miyembro ng Philippine National Police; gayondin sina Jayren Lowaton, 9; Zhiann Lowaton, 7; Monica Isabel De Lara, 12; John Rafael Lowaton, 22, pawang nakatira sa 441 Tejero Bliss H. Santos St., Brgy. Tejeros, Makati City; Ruben Balse Jr., 17; at Jiovan Sagayap, 17, kapwa nakatira sa PFCI Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Ayon sa pulisya nakaranas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, paninikip ng hininga at pagsusuka ang mga biktima dulot sa pagkalason sa usok mula sa pinaghalong likido na gamit sa paglilinis ng swimming pool.

Dakong 5:30 a.m. nang maganap ang insidente sa 500 La Arevalo Resort, Brgy. Cupang, Muntinlupa.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dakong 4:30 p.m. kamakalawa nang magtungo sa naturang resort para mag-outing ang pamilya Lowaton kasama ang tatlo pang biktima.

Ayon sa biktimang si Eusebio, dakong alas 5:15 a.m. nilapitan siya ng maitenance na isang tauhan ng resort upang ipaalaala na tapos na ang kanilang overnight at may papalit nang ibang tao sa bahagi ng resort na umupa rin sa swimming pool.

Habang nasa cottage at nagbibihis sa paghahanda sa pag-alis sa resort ang mga biktima nakalanghap sila ng usok na nanggagaling sa swimming pool dahilan upang manikip ang kanilang paghinga, sumuka at nahilo sila dahil sa kaibang amoy nito.

Nabatid sa pulisya, hindi muna dapat agad pinaghalo ang muriatic acid at chlorine sa isang lalagyan nang wala itong halong tubig dahil umuusok ang asido na ginagamit ng nagmamantine sa paglilinis sa swimming pool ng resort.

Manny Alcala

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *