Monday , December 23 2024

31st Balikatan Exercises sinimula na

BALIKATANPORMAL nang sinimulan ang sampung araw na Balikatan Exercises o ang taunang pagsasanay militar ng tropang Filipino at Amerikano, ayon sa Palasyo.

Inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ito ang ika-31 edisyon ng Balikatan mula nang simulang isagawa noong 1951 alinsunod sa Mutual Defense Treaty ng Filipinas at Estados Unidos.

Layunin aniya nito na makamit ang katiwasayan at katatagan ng seguridad, at ang kahandaang tumugon sa ano mang krisis o kalamidad na nagdudulot ng panganib at ligalig sa publiko.

Ang 31st Balikatan Exercises ay isinasagawa sa gitna nang puspusang reclamation activities ng China sa Panganiban Reef na itinuturing ng Filipinas na teritoryo ng bansa.

“Kung nagkataon na sa kasalukuyan ay mayroong mga partikular na usapin o hamon, ito ay ginagampanan pa rin bilang bahagi ng layunin na maging mataas ang kahandaan ng dalawang bansa at ganap ‘yung paghahanda para makatugon sa ano mang umiiral na hamon,” sabi ni Coloma.

Isa rin aniya sa mahalagang aspeto ng Balikatan ang kahandaan sa paglulunsad ng agarang pagtugon sa mga krisis bunsod ng mga kalamidad.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *