Friday , November 22 2024

Brgy. Chairman, inaresto sa kasong murder

CRIME BUSTER LOGOANG batas ay batas. No one is above the law.

Kamakalawa ay pormal nang inihain ng mga operatiba ng Southern Police District Office (SPDO) ang warrant of arrest laban sa isang barangay chairman sa Pasay City na may kaugnayan sa kasong murder.

Sa kahilingan ng ilan nating mga kaibigan, hindi ko na muna papangalanan ang inarestong barangay official. Common naman kasi sa area ng SPD ang tunog ng kanyang pangalan at ang sinasabing involvement niya sa kasong murder ay under investigation at hindi pa naman napapatunayan ng husgado. Mga alegasyon pa lamang.

Ang ginawang pag-aresto sa elected na kabeza de barangay ay kinumpirma sa akin by text messages ni SPDO director Chief Supt. Henry Ranola.

Sa nakalap kong info mula sa tactical operations center (TOC) ng SPDO, sinasabing naganap ang pag-aresto sa barangay captain sa northbound underpass ng Magallanes interchange o sa area of jurisdiction ng Makati City ng dakong 4:30 ng hapon ng Abril 17, 2015.

Nakasakay umano ang kapitan ng barangay sa brandnew car na Ford Mustang na kulay gray na walang plate number nang ang nasabing sasakyan ay harangin, pahintuin ng joint elements ng DSOU at ng DANCAR (Special Operations Unit at Anti-Carnapping Unit) ng Southern Police District Office sa may Magallanes interchange. Ang arresting team leader ng mga operatiba ay si Police/Superintendent  Lorenzo Trajano Jr.

Nang oras na arestuhin ang target-subject, naka-recover ang pulisya ng isang 99-MM automatic pistol , isang Sig 556 rifle at salaping HK2000.

Ang warrant of arrest ay ini-isyu ni Judge Dumayas ng Makati City Regional Trial Court Branch 59 laban sa suspect.

Hindi pa natin batid kung ang inilabas na warrant of arrest ni Judge Dumayas ng Makati RTC Branch 59 laban sa suspect ay kung may kaugnayan sa naganap na pamamaril, pagpatay kay Dodong at sa grupo ni Michael na kamakailan ay pinaulanan ng mga bala ng AK-47 at M-16 rifle ng mga di-nakikilalang lalaki sa Washington, Makati City. Sa insidente ng pamamaril, nakaligtas sa kamakatayan ang utol ni Dodong na si Michael. May 10 katao pa ang nasugatan sa nasabing pamamaril.

Anyway, ang ganyang usapin ay tumatagal ng ilang taon sa sala ng isang judge. Sa tagal, kadalasan ang isang testigo ay umaayaw nang humarap sa hukuman. Sa bwisit, umaayaw na!!!

Kung may basehan naman ang kasong murder, ito ay No Bail!!! Maghihimas ng rehas ang akusado.

Kung magaling sa criminal law ang abogado ng akusado, ang kasong murder ay naibaba sa kasong homicide na isang bailable offense. Pero kung ang isang akusado ay ini-implicate lamang ang pangalan sa isang krimen at wala naman siyang direct participation sa krimen, malamang absuwelto ang akusado sa usapin. Iyan ay kung butas-butas ang inihaing dokumento de papeles ng mga police investigators sa korte.

Naging shock absorber si Gen. Espina?

SA bwusit ni general Leonardo Espina ay naghain ito ng resignation kay pangulong Noynoy Aquino bilang officer in charge ng Philippine National Police.

Ikinatwiran naman ng pangulo na hindi niya tinanggap ang resignation paper ng heneral dahil wala pa itong kapalit sa pwesto.

Naku po!!! Mr. president, kahit kami ay inip na inip na sa kahihintay kung sino ang itatalaga n’yong chief ng PNP. Sino ba Mr. President???

Sila ang dapat habulin ng BIR

KUNG nais talagang makalikom ng malaking koleksyon ng buwis, ang dapat habulin ni BIR Commissioner Kim Henarez ay ang mga operators-financiers ng mga perya de pergalan na nag-ooperate sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Zambales, Bataan, Tarlac, Pangasinan, La Union, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, sa lalawigan ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal nasa sakop ng Region 2, 3 at Region 4-A.

Sa kasalukuyan ang mga pergalan ay matatagpuan sa bayan ng San Juan, Calatagan, Cuenca, Balete, San Pascual (Batangas province); sa Orion at Samal, Bataan; sa Brgy. Kanluran sa Calauan, Siniloan at sa Victoria sa Laguna; sa Sindalan sa San Fernando City, at sa Pulong Bulo sa San Fernando City, Pampanga; sa Brgy. Mayantok sa Tarlac; sa Brgy. Talipan sa Pagbilao, Quezon; sa Tabang, Guinguinto, Bulacan (likod ng Jolibee); sa Bayugo at sa San Jose, Hermosa, Bataan. Ang mga bigtime capitalista, bookers, locators ay kilala sa bansag na Emely, Boy Life, Evelyn, Eugene, Weng, Gasil, Kevin, Rik Kiros, Norma Topak, Botong, Alex Buda, Nardo Putik, Yolly Solo ng Batangas, Toyang ng Rizal, Michael Bangkay, Lourdes Tomboy, Ed Manalo, Peping at Rading ng Pampanga. 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *