Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang, bagong Kapamilya Comedy Queen (Sa pag-alis ni Ai Ai sa Dos…)

 

ni ROLDAN CASTRO

041815 pokwang aiai

TINANONG namin si Pokwang kung tatanggapin ba niya na siya na ang bagongKapamilya Comedy Queen ngayong napapabalitang pipirma na sa GMA 7 si Ai Ai delas Alas?

Umiwas siya sa tanong sa presscon ng bago niyang teleserye na Nathaniel na kasama sina Marco Masa, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Coney Reyes. Magsisimula ito sa Lunes, Abril 26.

“Napakaganda po talaga ng ‘Nathaniel’. Para po ito sa lahat, sa buong pamilya lalong-lalo na sa mga kabataan.

“Hindi, blessed lang ako kasi napasama ako sa isang proyekto na kapupulutan ng aral ng lahat ng mga manonood. Very excited kaming lahat sa proyektong ito.

“And masaya ako dahil ‘yung character ko rito ay hindi lang puro kadramahan pero kasi balance, comedy and drama, ganoon. ‘Yun basta masaya,” sambit niya.

Biniro ulit namin siya sa may elevator na siya na talaga ang Reyna ng Komedya ng Dos.”Roldan, tigilan mo ako,” tumatawa niyang pahayag.

Pero siyempre, bago tuluyang iluklok na Comedy Queen si Pokie, dapat bumalik siya sa mga comedy show ng Dos gaya ng Banana Split: Extra Scoop, Banana Nite o magkaroon ng sitcom gaya ng Home Sweetie Home.

Pasok!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …