Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, sa trabaho na lang nagpo-focus

 

ni Pilar Mateo

031215 Maja Salvador

WHERE does love go when it dies?

Sabi na nga ba, eh!

‘Yung pics ni Maja (Salvador) abroad na nagbakasyon siya na walang Gerald Anderson na kasama eh, malalagyan ng ibang kahulugan. Na ngayon nga eh, may katotohanan na. Wala na nga sila.

Ang pasubali ni Gerald, nag-uusap at magkaibigan pa rin sila at ang desisyon ng paghihiwalay eh, pinagkasunduan nila.

Fine! Kaya, malamang na sa trabaho niya na mag-focus nang husto ang aktres.

Kamakailan, lampas 5,000 katao ang nakisaya sa ginanap na Daragang Magayon Kapamilya Karavan na dinaluhan ng Bridges of Love lead actress na si Maja at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita teen cast members na sina Jane Oineza, Loisa Andalio, at Joshua Garcia. Hitik sa aliw at sorpresa ang programang inihanda ng ABS-CBN Bicol para sa mga Kapamilyang Albayanon na maaga pa lamang ay nagtipon na sa Albay Astrodome sa Legazpi City, Albay.

Nagdagdag-kasiyahan din sa prorama ang MAGTV na Oragon talents ng ABS-CBN Bicol na sina LA Cu at Dominique Lagrimas, at mga DJ ng MOR 93.9 Legazpi. Paktapos magpasaya sa Daragang Magayon Festival, darayo naman sina Maja, Jane, Loisa, at Joshua sa Negros Occidental para sa selebrasyon ng Panaad sa Negros Festival ngayong Sabado (Abril 18), 6:00 p.m., sa Panaad Stadium. Ang Kapamilya Karavan ay hatid sa mga Kapamilyang Bicolano ng ABS-CBN Regional (unang nakilala bilang ABS-CBN Regional Network Group) ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …