Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi, very much single raw; Bret, pasado kay Direk Joel

120614 bret andi

00 SHOWBIZ ms m“W E’RE not back together. We’re not even trying, Walang ganoon,” giit ni Andi Eigenmann patungkol sa balitang nagkabalikan na sila ni Jake Ejercito.

Ayon kay Andi nang makausap namin ito sa presscon ng Your Place or Mine na pinagtatambalan nila ni Bret Jackson at handog ng Viva Films, very much single siya ngayon.

“In other people’s eyes, feeling nila, kami-hindi, kami-hindi. Kasi, bawat oras na magkasama kami, kami. Bawat oras na hindi, hindi kami.Hindi naman ganun, e. Siyempre, there’s more to it than that.

Nilinaw din ni Andi ang ukol sa umano’y ipina-DNA test ni Jake ang anak niyang si Ellie at ang resulta’y 99%. “I’ve never seen like an official paper for like as in DNA results. And I really can’t answer the question because I’m not aware of that, unless tulog kami ni Ellie tapos kumuha siya ng something (samples for the DNA test),” giit ng anak ni Jaclyn Jose.

Ani Andi, pwede naman siyang magpa-DNA kung sakali ngunit hindi niya na kailangan pa iyon.

Ang Your Place or Mine ay mapapanood na sa April 29 na idinirehe ni Joel Lamangan.

Samantala, pasado naman ang acting ni Bret kay Direk Joel. “Okay naman siya. Masunurin, ang problema niya eh hindi marunong mag-Tagalog kaya nahihirapan pa siya sa pagta-Tagalog. May twang twang siya. Hindi lang naman siya, pati ‘yung mga ibang artista sa loob, mga bata ngayon, may twang na.

“But they did so well, I mean, the emotions were there. Tama ‘yung gusto nilang gawin. Kaya nga lang, may difficulty sila sa language.”

Kaya naman daw hindi hindi ang mga ito ang nag-dub ng kanilang boses at ipina-dub sa iba.

At kung ipare-rate kay Direk ang acting ni Bret, “In a scale of 1-10, 7. Hindi naman siya 2 kasi may emotion, naiintindihan naman niya ang hinihingi sa kanya, may difficulty lang siya sa language. But what being asked of him, he can do it, he can deliver. He’s an intelligent boy. But he needs more exposure to acting.”

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …