Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, nagta-tricycle na lang daw

ni Roldan Castro

032315 willie

SUMAKAY ng tricycle si Willie Revillame mula sa isang restoran sa Tomas Morato hanggang sa Wil Tower Mall. Malapit lang naman ‘yun at kung tutuusin puwede ngang lakarin. Wala kasi siyang sasakyan ng oras na ‘yun .

Kung nakita ng mga detractor ni Kuya Wil ang pagsakay niya ng tricycle tiyak iintrigahin na naman nilang naghihirap na ito. Ha!ha!ha!

Nag-blow out kasi si Kuya Wil sa mga staff niya dahil natuwa sa balitang mataas ang ratings ng Kapuso Mo, Jessica Soho. May exclusive na panayam si Jessica sa kanya.

Senyales na sabik na talaga ang tao sa sikat na TV host.

Samantala, nagbabalikan ang mga endorsement ni Willie dahil sa pagbabalik niya sa telebisyon. Masuwerte at tiyak na sasaya na naman ang mga manonood ng Wowowindahil hindi lang jacket ang ipamimigay niya kundi pati cellphone. Nandiyan ang bagong ini-endorse niyang cellphone na kamakailan ay pumirma siya ng kontrata kasama sinaMs. Francesca De Guzman, product manager at Atty. Navarro, legal counsel ng nasabing produkto.

Tikom pa rin si Willie kung sino ang magiging co-host niya. Ang malinaw lang, hindi totoong kinausap niya si Mariel Rodriguez. Ang sure ay mga Kapuso star ang makakasama niya at pinagpipilian pa ngayon.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …