Monday , December 23 2024

Waste materials mula Taiwan itinatambak sa Ilocos Port

100214 truck port pier

LAOAG CITY – Iniimbestigahan na ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang waste materials na itinatambak sa isang port sa pagitan ng bayan ng Currimao at Badoc na sinasabing inaangkat ng isang kompanya mula sa Taiwan.

Nangangamba ang mga residente sa mga nasabing bayan na maaaring kontaminado ang naturang waste materials at posibleng magdulot nang masamang epekto sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran.

Nabatid na ang layunin ng kompanyang Omnico sa pag-angkat nito ng waste materials mula sa Taiwan ay upang palawakin ang port.

Ayon kay Atty. Hermie Labayug, chairman ng Provincial Quarry Council, dahil dito kaya pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng Omnico.

Aniya, mapahihintulutan din ang pagtuloy-tuloy ng operasyon ng kompanya kapag napatunayan ng Environmental Management Bureau na hindi ito magdudulot ng ano mang masamang epekto.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *