ni Ambet Nabus
KAYA naman Mareng Maricris, tiyak ding magtatanong ka very soon kung ”Bakit Ganito Ang Pag-Ibig?” na incidentally ay siya namang title ng carrier single ni Maja under Ivory Music sa second album niyang Maja In Love na ang balita namin ay this May na ilo-launch.
Sa mga nagsasabing mukhang nagamit ni Gerald ang isyu ng kanilang break-up dahil mayroon itong soap na ipalalabas gayung seven weeks na pala silang hiwalay ng aktres (na tahimik lang despite her having her own Bridges of Love teleserye), naku for sure Mareh, iintrigahin nila ang naturang carrier single ng second album ni Maja hahaha!
Kaya kung tayo sa kanila eh ang mga trabaho na lang nila ang ating husgahan ‘di ba?
Panoorin natin si Gerald sa Nathaniel kung may bago itong “akting” na ipakikita at kung nakatulong ba sa pagiging aktor niya ang break up with Maja na very obvious namang mas humusay at gumandang aktres pa lalo sa Bridges of Love.
Pero as a singer naman kaya, may improvement ba si Maja? Iyan ang ating abangan ‘di ba mareng Maricris?