Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, kayang tanggapin ang lahat kay Robin, maliban sa pagkakaroon nito ng ibang babae

ni Ambet Nabus

082314 Mariel Rodriguez robin padilla

MALIWANAG sa naging pahayag ni Mariel Rodriguez na nag-stick pa sila ng kanyang asawang si Robin Padilla sa deal nila na walang ibang babae na dapat pumagitna sa kanilang pagsasama. Ito ang kanyang naibahagi sa presscon ng Happy Wife Happy Life na magkakaroon ng season two sa TV5.

Bago pa man pala sila magpakasal ay inihanda na ni Mariel ang sarili na tanggapin ang lahat kay Robin gaya ng relihiyon o paniniwala, ang pagmamahal sa Mindanao at mga anak nito at iba pa, maliban sa pagkakaroon nito ng iba pang asawa o babae if ever man na maging sila na.

“Ay ‘yun na talaga ang deal. Lahat keri kong tanggapin, maliban sa ‘yung mayroon akong makakasosyo sa kanya. Kaya if ever na magkakaroon siya ng babae, goodbye na talaga, wala ng paliwanagan,” esplika ni Mariel na umaming lahat ay kanyang isinuko sa asawa at ito nga ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay tungkol sa pagsasama nila.

Sumang-ayon naman ang mga co-host niyang sina LJ Alapag at Danica Pingris.

Tsika ni LJ, ”ganoon din ako. Kapag may iba na, goodbye na. Eh bilang ang mga anak namin sa ngayon ang dahilan kung bakit mas solid kami ng asawa ko, kasama ko silang mag-aalsa balutan if ever mangyari iyan.”

Hirit naman ni Danica, ”goodbye ‘yun lang!”

At dahil Happy Wife Happy Life ang title ng show nila, may nag-usisa sa kanila kung ano ang masasabi nila sa mga “Happy mistress na may happy life?”

Sabay-sabay na sumagot ang tatlo ng ”ay hindi sila totoong happy and contented sa life kasi alam nila may nagulo at nasira silang mga pagsasama at pamilya. Hindi Happy Life ‘yun, at mas lalong hindi sila happy mistress!”

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …