Friday , January 10 2025

Espina nagbitiw bilang PNP OIC

121414 ESPINANAPAULAT na nagbitiw na bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police si Deputy Director General Leonardo Espina.

Ito’y batay sa ilang sources sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa mga source, isinumite ni Espina ang resignation letter kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngunit hindi pa raw tinatanggap ng commander-in-chief.

Ngunit ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Generoso Cerbo, walang record ang pulisya sa napabalitang pagbibitiw ni Espina.

Kung may mga pagbabago man aniya, siya ang unang makaaalam.

Ayon pa kay Cerbo, simula noong Marso kung kailan napaulat din nag-resign si Espina bilang PNP OIC chief, ay patuloy siyang nagtatrabaho.

Katunayan ay na-promote pa aniya si Espina bilang Deputy Chief for Administration kaya wala aniyang basehan ang mga napaulat na resignasyon.

HNT

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *