Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, aminadong ‘di na maibabalik ang dating friendship kay Kris

ni Roldan Castro

041715 kris aquino aiai delas alas

ALIW kami sa kuwento ni Ai Ai Delas Alas na kaya na-late siya ng kaunti sa contract signing niya sa GMA 7 ay dahil sa Mother Ignacia siya dinala ng driver niya instead na sa Timog. Akala raw kasi ng driver ay sa ABS-CBN 2 pa si Ai Ai nagtatrabaho.

Naipaiyak ang Comedy Queen sa mga sinabi ng GMA Chairman and CEO na siAtty. Felipe Gozon na nagbakasyon lang si Ai Ai at nagpunta sa iba pero nagbalik na saKapuso Network. Hindi lang daw magaling na komedyante si Ai AI kundi paborito pa niya.

“Nandito na po ako sa rati kong tahanan. Ang buhay ko ay parang buhay ko sa showbiz kasi po ang paglipat ko ay parang doon po sa probinsiya na kinuha ako ng auntie ko, pinag-aral ako sa Maynila . Ngayon galing ako sa totoo kong nanay, ito ngang GMA tapos napunta ako sa Kapamiya, ‘yun ‘yung nanay na nag-alaga sa akin, ngayon po ay babalik na ako rito sa totoo kong nanay. Ang kaibahan lang po ay noong bumalik ang totoong nanay ko, may Alzheimer na po siya pero ang GMA ay hindi po ako kinalimutan,” deklara niya

Sinagot din ni Ai Ai ang katanungan na isa sa dahilan ng paglipat niya sa GMA ay dahil kay Kris Aquino.

Natawa siya, ” Nakakaloka ang ganyang mga tanong. Ang gusto mong sagot ko ay oo.. hindi joke lang ha!ha!ha!

“Hindi naman, ano ba? ‘Di ba nagkabati na nga kami noong kasal nina Kambal (Marian Rivera), so ‘yun na ‘yun,” sagot niya.

Ang pagbabalik ba na ‘yun ay bumalik sa dating friendship?

“Siyempre, iba na ngayon. Una sa lahat hindi na kami roommates, magkapitbahay na lang kami. A gormer friend and a former roommate,” sey pa niya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …