Tuesday , November 19 2024

Standing ovation para kay Ate Guy, pinangunahan ni Jackie Chan

ni Pilar Mateo

041315 nora aunor jackie chan

MAS maraming excitement and happenings ang aming dinaluhan sa 2nd ASEAN International Film Festival (AIFFA) 2015 sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Matapos bigyan ng Lifetime Achievement si Michelle Yeoh noong 1st AIFFA ng 2013 (isinasagawa ito every two years), ang ating Superstar na si Nora Aunor naman ang binigyan ng nasabing parangal.

At kasabay pa niyang tumanggap ng Asean Special Award ang international star na si Jackie Chan!

Tuwang-tuwa ang Superstar sa nasabing balita at ang hiling niya eh, ang makasama sa picture ang HongKong Superstar of international calibre gaya niya.

Kaming bahagi ng Philippine delegates ang sobrang na-touch at halos maiyak nang umakyat na sa entablado ang La Aunor. At naunang tumayo si Jackie to give La Aunor a standing ovation. Na sinundan na ng lahat ng delegates.

Very powerful ang speech ni La Aunor, in English at that ay napaka-husay niya itong nai-deliver. Kaya nang bumaba na siya, natupad ang wish niya dahil nagyakap sila ni Jackie, nagmano at halik pa si La Aunor sa kamay nito at katakot-takot na pictorial nga with the Superstar like her.

After the awards, most of the questions were addressed to her. Natutuwa naman siya na with the help of Howard Yambao, nae-express niya what she wants to get across.

Naitawid niya ang hinanakit niya sa gobyerno dahil all these years kulang na kulang ang suporta nito sa ating mga pelikulang mas nakikilala pa sa ibang bansa.

Natatawa naman sa kanya ang mga katabi niya including the Festival Director Livan Tajang nang ibalita ni La Aunor na isa sa mga susunod niyang pelikula ay ‘yung gaganap siya bilang isang Tasaday.

Ina-aksiyon kasi ni La Aunor ang upper body part niya. At ipinaliwanag ni Howard na magta-topless nga ito.

Marami ring naging activities sa Ministry of Tourism si La Aunor since day one niya sa Sarawak. Nag-aral pa siyang gumawa ng Malay Food. At in-sketch pa ng isang mahusay na artist.

Pagdating pa lang sa Sarawak eh, naghanap na agad ng mall kaso gabi na. At nakatulugan na rin ang paghihintay sa pagkaing dala namin sa kanya.

It was a momentous affair na hindi raw niya makalilimutan.

“Nakakapanghinayang lang kasi there was a time na dapat may mga pelikula akong nadala sa Cannes. Pero may mga tao na hinarang ito,” pang-ending at mala-cliff hanger niyang banggit sa akin on the way palabas ng NAIA Terminal 3!

At malamang ito rin ang nagpu-push sa kanya para gumawa pa ng mas maraming pelikula. Tatlo na nga ‘yung nakapila.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *