Monday , December 23 2024

Rogelio G. Mangahas tumanggap ng Gawad Dangal ni Balagtas mula sa KWF

kwfIPINAGKALOOB ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Gawad Dangal ni Balagtas kay Rogelio G. Mangahas, isa sa mga nanguna sa kilusang modernista sa panulaang Filipino, noong 30 Marso 2015 sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Orion Elementary School, Orion, Bataan.

Túbong Cabiao, Nueva Ecija si Mangahas ay ipinanganak noong Mayo 9, 1939. Kabilang siya sa tinatawag na ‘Tungkong-bato ng Panulaang Makabago’ noong dekada 60.

Kasama sina Lamberto Antonio at Rio Alma, pinasiklab niya ang sariwa at makabuluhang pagbabago sa panulaang Filipino.

Itinuturing na mahalagang aklat at muhon sa panitikang Filipino ang kaniyang unang aklat na Duguang Plakard at iba pang Tula (1970).  Awtor din siya ng aklat ng mga haiku, ang Gagamba sa Uhay, na pinagkalooban naman ng National Book Awards ng Manila Critics Circle noong 2006.

Bukod sa pagiging makata, si Koyang Roger, na karaniwang tawag kay Mangahas, ay isa ring editor, tagasalin, at propesor. Maybahay niya ang batikang manunulat at propesor na si Fe B. Mangahas.

 Ang Gawad Dangal ni Balagtas ay isang lifetime achievement award na ipinagkakaloob sa pilíng manunulat at/o institusyon na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Filipinas. Kinikilala ng gawad ang mga alagad ng sining na nakalikha ng mga akdang nag-iwan ng bakas at humawi ng landas sa larangan ng pagsusulat.

Unang ipinagkaloob ang Gawad Dangal ni Balagtas kay Lamberto Antonio noong 2013 at sinundan ni Teodoro “Teo” T. Antonio noong 2014.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *