Monday , December 23 2024

 “Panaad” ni Roxas may pag-unlad sa Negros Island Region

091114 mar roxasKaunlaran ng buong isla ng Negros sa pamamagitan ng ‘ONE Negros’ ang isinulong ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa pagdiriwang ng Panaad Festival sa Bacolod City, Negros Occidental.

“Sa pag-unlad, kailangan ang whole of Negros Approach – lahat tayo, sama sama,” ani Roxas.

Ayon kay Roxas, inilapit niya sa Pangulong Aquino ang Negros Island Region dahil ang Negros Occidental at Negros Oriental ang isa sa mga lalawigan na maliit ang pag-unlad kompara sa iba pang lalawigan na kasama nila sa ibang rehiyon.

Sinuportahan ni Roxas ang pag-iisa ng Negros Occidental na nasa Region 6 at ng Negros Oriental  na  nasa  Region  7, upang mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Isang hakbang sa Tuwid na Daan ang Negros Island Region (NIR) para mabilis ang pag-usad ng buong isla sa kaunlaran.

“Fast Forward sa One Negros at One Philippines!”  pahayag ni Roxas sa kanyang talumpati sa ika-22 Panaad Festival. Panaad ang salitang Hiligaynon sa katagang  ‘pangako’ sa wikang Filipino.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *