Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.1-M reward vs killer ni Magsino

mei magsino2MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya si Senate President Pro-tempore Ralph Recto para sa sino mang makapagtuturo sa salarin na pumaslang sa dating journalist na si Mei Magsino sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Recto, ido-donate niya ang naturang halaga sa bubuuing reward pool ng pamahalaan.

Iginiit ni Recto, dapat managot at maparusahan ang sino mang nasa likod ng krimen.

Hindi aniya dapat mapabilang ang pagpatay kay Magsino sa mga kaso ng mamamahayag na namatay sa ngalan ng katotohanan at hindi nabigyan ng katarungan.

Mariing kinondena ni Recto ang pagpatay sa kapwa Batangueño na bagama’t hindi na aktibong kagawad ng media si Magsino ay patuloy ang krusada sa paghahanap sa katotohanan sa mga isyu sa lipunan.

Hamon ni Recto sa mga awtoridad, tuldukan na ang ‘impunity’ sa bansa at resolbahin ang mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …