Wednesday , December 25 2024

Ombudsman dapat nang busisiin ang mga anomalya sa SBMA

00 Abot Sipat ArielNABABALOT na naman sa eskandalo ang Subic Bay Metropolitan Authority na pinatatakbo ni SBMA Chairman Roberto Garcia.

Ayon sa ating impormasyon na nakalap, hindi lang pala ismagling ang nangyayari sa Subic Freeport, kung hindi ayusan din ng kontrata at pangongomisyon sa mga locator ng mga nakatataas na opisyal nito.

Isa sa maugong na pinag-uusapan ngayon sa Subic ang napakatamis na  ”sweetheart deal” ng isang kompanya na joint venture ng SBMA at ng mga Taiwanese na locator dito.

Ang siste, 51% ang pagmamay-ari ng Subic Bay Development and Management Corp. (SBDMC) at 49% naman ang SBMA at sa ilalim ng Joint Venture Agreement ng dalawa, ipamamahala ng SBMA ang lupa ng Subic Gateway park sa SBDMC na ipauupa naman sa Taiwanese manufacturers. 

Umutang din nang malaki sa mga banko ang SBMA para i-develop ang naturang Gateway Park, at ibinuhos dito ang milyon-milyong piso para makapagsimula ng negosyo.

Nagsimula mag-operate ang SBDMC noong panahon pa ni Richard Gordon bilang administrador, at natapos na dapat ang kontrata noon pang Nobyembre, 2013, nang si Garcia na ang Chairman.

Sa records ng SBMA, lampas $80 milyon na ang kinita ng SBDMC sa Joint Venture na ito. Hindi lang ‘yan, dahil  ang SBMA pa nga ang mag-isang nagbayad ng loan na ginamit sa pag-develop ng Gateway Park, kakatwang kahit singkong duling  ay walang ginastos ang SBDMC.

Dahil natapos na ang kontrata, dapat bumalik na rin ang pagmamay-ari ng Subic Gateway Park sa SBMA ngunit kaduda-dudang hindi ito inaksiyonan ni Garcia.

Bagkus, kinombinse pa raw ni Garcia at ng ilang SBMA directors na kasapakat niya ang Mabuhay Interflour Manufacturing, Inc. o MIMI, noong  Hunyo 2014 para pumasok sa Gateway Park ng SBDMC.

Nangailangan kasi ang  MIMI ng limang ektaryang industrial land at nagbayad ng $2.5 milyon sa SBDMC para sa isang long term lease contract kahit tapos na ang kontrata ng SBDMC at SBMA.

Isa sigurong dahilan ang sinasabing pagbibigay ng SBDMC ng 20% komisyon sa mga nakakapagpasok ng locator dito.

Bukod kay Garcia, matunog ang pangalan ng mga direktor ng SBMA na sina Joven Reyes, Wilfredo Pineda at Benjamin Antonio III kaugnay ng  umaalingasaw na kasunduan ng MIMI at SBDMC.

Kailangan talagang busisiin ng Ombudsman ang kontrata at masiguro na nagagamit ang asset ng gobyerno sa tamang paraan at hindi naaabuso ng mga may kapangyarihan sa SBMA.

Dapat na binawi na ng SBMA ang Gateway Park dahil tapos na ang kontrata at kayang-kaya naman pala nila Garcia na magdala ng mga locators doon.  Napakasuwerte naman ng SBDMC dahil sa ngayon ay inaayos na kuno ang pag-extend ng kontrata ng kompanya sa SBMA at malapit na uling magkaroon ng “cash-unduan” ang SBDMC at SBMA.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales, baka naman gusto mong silipin ang maanomalyang kontrata na ito ng SBMA na balitang pinagkakakitaan ng mga kurakot na na opisyal ng ahensiyang ito?  Adaw! 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *