Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis itinurong utak sa pagpatay sa ex-husband na seaman

112514 crime sceneBUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pamamaril kamakalawa ng gabi sa isang seaman na taga-Davao City na nagsadya lang sa Lungsod ng Butuan upang daluhan ang pagdinig ng annulment petition ng kanyang nakahiwalayang misis.

Tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rafael Tiongson Suyko Jr., 42, residente ng San Juan Village, Bangkal, Davao City

Ayon kay SPO4 Wilson Ejos Jr. ng Butuan City Police Station 2, itinuturong primary suspect ang misis base sa naunang pahayag ng biktima.

Dagdag ng opisyal, galing sa bahay ng kanyang misis ang biktima dahil binisita niya ang kanilang mga anak at pagdating sa labas ng kanyang inuupahang suite, habang nasa loob pa ng sasakyan ay dito siya pinagbabaril ng riding-in-tandem.

Naganap ito dakong 8:45 p.m. sa Rosewood Subdivision, Brgy. Villakananga sa Butuan City.

Narekober sa crime scene ang siyam na empty shells ng .45 kalibreng pistola.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …