Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Date-rape drug lab sinalakay (Sa Mandaluyong)

022714 marijuana drugs

SINALAKAY ng mga awtoridad ang dalawang condo unit sa Mandaluyong City na hinihinalang pagawaan ng ilegal na droga.

Tumambad sa National Bureau of Investigation (NBI) ang iba’t ibang uri ng droga at paraphernalia.

Natagpuan din ng mga awtoridad sa isa sa mga unit ang sinasabing kitchen laboratory ng date rape drug na Gamma Hydroxybutyrate (GHB).

Ayon sa NBI, ang naturang droga na mas kilala bilang “liquid ecstasy” ay karaniwang inihahalo sa inomin ng isang babae upang mawalan ng malay at magawang halayin. 

Isang patak lamang anila nito ay sapat na upang mawalan ng ulirat ang biktima. 

Bukod sa pagkahilo at pagkahimatay, mayroon na rin anilang namatay dahil sa delikadong chemical reaction ng pinaghalong GHB at alak. 

Nabibili ng P10,000 ang kada 100 ml ng liquid ecstasy, na unang umusbong sa Europa at Amerika. 

Nakapangalan ang condo unit na may kitchen laboratory sa Amerikanong si Aaron Limon. Ang katabing unit ay pagmamay-ari ng kababayan niyang si Dennis Thicke Jr., anak ng lider ng isang malaking sindikato sa droga. 

Naabutan ng mga awtoridad sa isa sa mga condo ang isang Nigerian national na lango pa sa droga.

Habang aminado ang misis ni Thicke, isang Filipina model, na dati na silang gumagamit ng droga.

Tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na hindi naabutan sa pagsalakay. 

Iniimbestigahan na rin ng NBI ang lawak ng bentahan ng liquid ecstasy sa bansa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …