Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5-anyos kritikal 3 sugatan sa truck vs van

072414 road traffic accidentKORONADAL CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang 5-anyos batang lalaki makaraan magbanggaan ang isang truck na pagmamay-ari ng povincial government ng South Cotabato, at van sa national highway na sakop ng Purok Pag-asa, Brgy. Reyes Banga, South Cotabato, dakong 9:30 a.m. kahapon.

Kinilala ang batang nasa kritikal na kondisyon na si Gino Mondejar.

Sugatan ang kanyang ama na si Erwin Mondejar, driver ng Hyundai Starex van, habang ang dalawa pang mga sugatan ay kinilalang sina Hernanie Maquilan, 43, truck driver, at Nestor Santander, 37, kapwa mga empleyado ng Provincial General Services Office.

Ayon kay PO1 Raymund Alaer ng Banga PNP, papuntang lungsod ng Koronadal ang van habang maghahatid ng corn harvester ng Provincial Agriculture’s Office ang truck sa demo farm sa bayan ng Banga.

Nag-overtake ang van sa isang sasakyan at posibleng nag-lock ang manibela nito na nagresulta sa ‘head on collision.’

Nasa ICU ng Doctors Clinic and Hospital ang bata habang ginagamot ang tatlong iba pang su-gatan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …