Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbubuntis ni Empress, easy way out; serye sa GMA, ‘di naman nagre-rate

ni Ed de Leon

041415 Empress Schuck 2

BUNTIS si Empress Schuck. Malas naman dahil kalilipat lang niya sa Channel 7, ginagawa pa lamang niya ang kanyang unang assignment, nabuntis siya agad. Kailangan ngayong itigil na ang serye dahil nabuntis siya. In a way siguro nga ok lang naman iyon dahil hindi naman talaga mataas ang kanilang audience share sa seryeng iyon. Iyong pagbubuntis ni Empress ay naging easy way out na rin.

Hindi iyan ang unang pagkakataon na may isang artistang babaeng nabuntis na lang basta. Nangyari rin naman iyan kay Jennylyn Mercado. Magkapareho ang magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes na halos magkasabay pang nagbuntis, courtesy ng kanilang mga boyfriend. Nangyari na rin iyan sa maraming iba pa. Iyong dalagita nga naming kapitbahay nagulat kami dahil nabuntis na rin ng boyfriend. Ang kaibahan nga lang ng mga artista, sikat sila kaya nagiging issue ang pagbubuntis, eh iyong kapitbahay ba namin halimbawa, sino ba ang nakakakilala roon?

Pero hindi kami ayon sa mga nabubuntis out of wedlock. Hindi sa pagiging conservative, pero naniniwala pa rin kami na kailangan ang kasal bago magbuntis. Kailangan ang commitment ng mga magulang hindi lamang sa isa’t isa kundi lalo na sa mga walang malay na batang dadalhin nila sa mundo. Isipin ninyo, may taong mabubuhay sa mundo, pero ang mga magulang nila ay wala pang commitment na sila ay palalakihin ng tama, at may kakayahang palakihin sila sa mundo. Hindi kasal eh.

Sinasabing ang kasal ay kapirasong papel lamang, pero tandaan ninyo ang isang tsekeng nagkakahalaga ng isang milyon ay kapirasong papel lang din naman. Dapat nating matutuhan na kailangang mauna ang responsibilidad natin sa ating kapwa, lalo na nga sa ating magiging anak.

Ayaw naming sabihin na ang mga nagbubuntis sa pagkadalaga ay masamang example. Hindi po naman ganoon ang gusto naming sabihin. Ang sinasabi lang namin, sana mapigilan ang panggigigil hanggang wala pang pormal na commitment, hindi lamang para sa sarili kundi lalo na para sa mga walang malay na taong dadalhin ninyo sa mundong ito.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …