WALA kami sa Celebrity screening ng Nathaniel na ginanap sa Trinoma Cinema 7 noong Linggo sa pangunguna nina Gerald Anderson at Shaina Magdayao, Isabelle Daza, at Marco Masa at halos iisa ang kuwento ng mga nakapanood, sobrang heartbreaking daw ang kuwento.
Sobrang pinalakpakan sina Gerald at Shaina bilang mag-asawa at anak nila si Nathaniel.
Namatay kasi sa kuwento si Nathaniel at sa eksenang iyon hinangaan sina ‘Ge (tawag kay Gerald) at Shaina dahil ang galing daw nilang umarte kung paano nawalan ng anak gayung pareho pa naman silang walang anak.
Hindi na raw Budoy si Gerald. Ito kasi ang huling serye ng aktor sa ABS-CBN kaya naman ito ang natatandaan ng tao sa kanya.
Panalo si Marco bilang si Nathaniel dahil nagpakitang gilas din daw ito sa kuwento kaya naman puring-puri siya ng lahat.
Inspiring ang istorya ng Nathaniel tulad ng May Bukas Pa at 100 Days na talagang pinag-usapan at ginaya rin ito ng ibang TV networks.
ni Reggee Bonoan