ni Ed de Leon
NANGUNA ang actor na si Matteo Guidicelli sa isang fun run na nakita namin noong isang araw. Napag-usapan nga namin ng aming mga kasama, magaling na actor naman iyang si Matteo. Napatunayan na niya iyan sa mga serye sa telebisyon na nagawa niya. May hitsura rin naman talaga si Matteo. Puwede mong ilaban iyan kay Daniel Padilla. Ang hindi namin malaman bakit nga ba wala silang sinasabi tungkol kay Matteo kundi ang panliligaw niyon kay Sarah Geronimo.
Siguro nga kaya ganoon ay dahil mas sikat si Sarah kaysa kanya, pero napaka-unfair naman niyon kay Matteo. May kinabukasan sa showbusiness iyang batang iyan, mai-handle lang ng tama. Mukha namang tama ang handling ng kanyang manager dahil mahusay naman si Jojie Dingcong at marami na siyang napasikat na iba. Ang kailangan lang siguro kaunting push pa. Puwede iyang si Matteo.