ni Roldan Castro
HAPPY na naman ang lovelife ni Jake Cuenca sa isang modelo na nagngangalang Sara Grace Kelly pagkatapos makipaghiwalay sa kanyang girlfriend na Filipino-Australian model na si Chanel Olive Thomas last year.
Nagsi-share ang hunk actor sa kanyang Instagram account ng larawan nilang magkasama.
Mababasang post niya na malaki ang nabago sa buhay niya dahil sa bagong karelasyon.
“It’s amazing how someone can change your life for the better so effortlessly. It’s like you don’t even try, you just do. Because that person makes that big of an impact in your life and that same person deserves the best version of yourself.”